3 patay habang marami sugatan sa pagkahulog ng multicab sa bangin sa Kidapawan City

Tatlo ang patay habang marami naman ang sugatan ng mahulog sa banhin ang sinasakyan nilang multicab sa Barangay Ilomavis sa lungsod ng Kidapawan sa Notth Cotabato kahapon ng hapon. Kilala ang mga nasawi ang magkapatid na Julia at Junaika Ibrahim , kapwa mag aaral ng Indangan National High School .Kabilang din sa nasawi si Panda Pacatua res ng Kidapawan City.
Batay sa report ay pauwi na umano ang mga biktima mula sa pagligo sa may Lake Agko sa Barangay Ilomavis nang aksidenteng mahulog ang sasakyan nila sa malalim na bangin sa may Sitio Sayaban. Si Jalila ay sa Kidapawan Medical Specialist Hospital namatay, habang sa Madonna General Hospital si Junaika. Ang iba ay ginagamot pa ngayon sa iba’t ibang mga ospital sa Kidapawan City. (Amer Sinsuat)

Facebook Comments