3 patay kasama ang isang pulis matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila

Tondo, Maynila – Patay ang isang pulis kasama ang dalawa pang lalaki nang pagbabarilin sa Humabon St. Barangay 103, Zone 8 Tondo Maynila.

Ayon kay Police Senior Insp. Romeo Estabillo ng Raxabago Police Station, kinilala ang mga biktima na si PO2 Ron-Ron Reyes ng Cainta-PNP, isang Allan Asuris at Rodrigo Sevilla na pawang residente sa lugar.

Pasado alas-10 kagabi, nag-iinuman ang tatlong mga biktma nang bigla silang paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek .


Sa ngayon ay inaalam pa ng MPD- homicide division ang posibleng motibo ng pamamaril.

Facebook Comments