3 patay, matapos makuryente sa kasagsagan ng baha sa lalawigan ng Rizal kahapon

Patay ang tatlong indibidwal matapos makuryente sa lalawigan ng Rizal kahapon.

Ayon kay PCol. Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal, galing ang mga nasawi sa Montalban, San Mateo at Cainta.

Paliwanag pa ni PCol. Maraggun pawang mga kalalakihan ang mga biktima na nakuryente ng live wire habang kasagsagan ng baha.


Dinala pa sa ospital ang mga biktima pero ideneklarang dead on arrival ang mga ito na hindi pa nakikilala.

Facebook Comments