3, patay sa sunog sa Tondo

89

Manila, Philippines – Tatlo ang naitalang patay sa nangyaring sunog sa may bahagi ng Honorio Lopez Boulevard sa Barangay 157, Zone 13 District 2, likod lamang ng Philippine Span Asia Carrier Corporation sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Barangay Chairman Ernesto Castillo, nagsimula ang sunog pasado alas-6:00 ng umaga sa lugar na pawang mga informal settlers kung saan nasa mahigit tatlumpung kabahayan ang bilang.


RadyoMaN Emman Mortega and Barangay Chairman Ernesto Castillo

Hindi pa naman matukoy kung ilan bahay ang nadamay sa sunog pero sa inisyal na impormasyon ng Manila Bureau of Fire Department (BFD), nasa dalawang bata at isang matanda ang nadamay sa insidente.

Umabot naman sa ikalawang alarma ang sunog at tuluyang na-fireout alas-7:45 ngayong umaga.

Sa ngayon, nire-retrieve pa ang mga bangkay na biktima dahil nasa bandang dulo ang bahay ng mga ito habang hindi pa naman malaman kung magkano ang halaga ng mga ari-arian na natupok.

Facebook Comments

From Advertisers