Na-rescue ng Bureau of Immigration (BI) Officers ang tatlong Pinay na biktima ng human trafficking at ipapadala sana sa South Korea bilang entertainers.
Ayon sa BI, unang nagpakilala ang 3 na sila ay magkakaibigan at tutungo aniya sila sa Thailand para mag-tour kasama ang isa pang Pinay.
Sa pagpapatuloy ng pagtatanong sa mga ito, magkakaiba na ang kanilang sinasabi kaya isinailalim sila sa secondary inspection.
Sa interview sa mga biktima, umamin ang mga ito na patungo sila sa South Korea para magtrabaho bilang singers at may sweldong P40,000 kada buwan.
Inamin din nila na recruiter nila ang isa pa nilang kasamang babae.
Ang 3 Pinay at ang kanilang recruiter ay hawak na ngayon ng Central Intelligence Agency (CIA) Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at kakasuhan din ang recruiter ng mga ito.