3 Pinoy, arestado sa anti-illegal worker operation sa Hong Kong

3 Pilipino ang kasama sa naaresto ng Hong Kong Immigration Task Force officers sa isinagawang Territory-Wide Anti-Illegal Worker operation.

Ang 3 Pinay ay kasama ng labing-isang iba pang mga dayuhan na illegal workers.

Sila ay inaresto habang iligal na nagtatrabaho sa iba’t-ibang establisyemento sa Hong Kong.


Kaugnay nito, pinapayuhan ng Philippine Consulate sa Hong Kong ang mga Pilipino na sundin ang proseso ng Hong Kong government para sa asylum seekers at refugees.

Ang mga lumalabag sa nasabing batas ay maaaring mapatawan ng multang H$50,000 (mahigit P300,000) at pagkakakulong ng hanggang 3 taon.

Facebook Comments