3 Pinoy drivers sa minamantrato sa isang bus company sa Dammam, na-rescue na ng OWWA team

Kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Patricia Yvonne Caunan na na-rescue na ang tatlo sa Filipino drivers na minaltrato sa pinagtatrabahuhang Hamat Transport sa Dammam.

Ayon kay Caunan, ang tatlong Pinoy drivers ay nailipat na sa shelter.

Tiniyak naman ni Caunan na nagpapatuloy ang negosasyon para makuha na rin ng OWWA team ang kustodiya ng iba pang Pilipinong driver.

Iginiit ni Caunan na hindi sila titigil hangga’t hindi natutugunan ang mga reklamo ng mga Pinoy.

Nakiusap din ang Welfare workers ng Pilipinas sa Overseas Filipino Worker (OFWs) na manatiling mahinahon habang nagpapatuloy pag-uusap para sa makatarungang solusyon.

Facebook Comments