
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nabigyan na ng abogado ang tatlong Pinoy na ikinulong sa china dahil sa akusasyong pang-eespiya.
Ito ay matapos na tuluyang mabigyan ng access ang Pilipinas sa tatlong Pinoy.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Ma. Theresa Lazaro, nakakuha na ang Pilipinas ng law firm na tutulong sa mga Pinoy.
Nakatanggap na rin aniya ng notification ang Philippine Consulate sa Guangzhou hinggil sa kaso ng tatlong Pinoy.
Nitong nakalipas na Abril, ikinulong ang dalawang Pinoy at isang Pinay sa Hainan Province sa China dahil daw sa pang-eespiya laban sa Chinese government.
Facebook Comments









