3, Pinoy na nasugatan sa bus accident sa New York, nakalabas na ng ospital —DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may tatlong Pilipinong inaalalayan ang Philippine Consulate General sa New York matapos na masugatan sa nangyaring bus accident doon.

Ayon sa DFA, ang naturang mga Pinoy ay nakabase sa Qatar at nagto-tour lamang sa New York nang mangyari ang insidente.

Kinumpirma naman ng DFA na nakalabas na ng ospital ang tatlong Pinoy at siya ay cleared na para bumiyahe.

Tiniyak naman ng DFA na tututukan ng Philippine Consulate ang tatlong Pilipinong hanggang sa kanilang scheduled departure pabalik ng Qatar.

Magugunitang lima ang nasawi at may ilang nasugatan nang mawalan ng kontrol ang isang tourist bus na kagagaling lamang mula sa Niagara Falls.

Facebook Comments