Tatlong OFWs ang kumpirmadong nasugatan sa pagguho ng isang tulay sa Taiwan.
Ayon kay Jerry de Belen, director for administration ng MECO o Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan, pinuntahan na ng welfare officers sa hospital ang naturang mga Pinoy seafarers.
Aniya pawang minor injuries lamang ang tinamo ng nasabing mga Pinoy.
Sinabi pa ni De Belen, na nasa ground zero na rin ang kanilang mga tauhan para alamin ang report hinggil sa sinasabing tatlong iba pang Pinoy na na-trap sa loob ng fishing vessel na nabagsakan ng tulay.
Tumanggi muna ang MECO na pangalan ang tatlong Pinoy na nasugatan.
Facebook Comments