Nag-donate ang tatlong Pinoy survivors ng kanilang dugo sa Philippine General Hospital (PGH).
Ito ay matapos himukin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko partikular ang mga nakagaling na sa nasabing sakit na mag-donate ng kanilang dugo.
Ayon sa pamunuan ng philippine general hospital, nasa plasma ng covid-19 survivors ang anti-bodies na siyang tutulong sa pagpuksa ng covid-19 sa katawan ng mga pasyente.
Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng convalescent plasma transfusion o ang pagsalin ng plasma ng COVID-19 survivor papunta sa pasyenteng may COVID-19.
Ngunit giit ng PGH na dapat healthy ang donor upang maiwasan ang komplikasyon.
Patuloy pa rin ang paghimok ng ospital sa mga COVID-19 survivor na mag-donate ng kanilang dugo upang mas marami pa ang kanilang matulungang talunin ang nakamamatay na sakit.