Pinagmulta ng National Basketball Association (NBA) ang tatlong manlalaro matapos ang headbutting incident sa pagitan ng Dallas Mavericks at Charlotte Hornets.
Ayon sa NBA, pinagmumulta ng $40,000 o halos P2 million si Mavericks forward James Johnson, $25,000 o halos P1.2 million si Hornets forward Cody Martin at $20,000 o halos P1 million kay Caleb Martin.
Pinagmulta si Johnson nang sadyain nitong itulak si Martin at komprontahin.
Habang pinarusahan din si Martin matapos gumanti ng pagtulak kay Johnson at magkaroon ng contact sa isang game official.
Si Caleb Martin ay minultahan nang manghimasok sa gulo.
Facebook Comments