3 PMA cadets na akusado Darwin Dormitorio hazing case, hinatulang guilty ng korte

Sinentensyahan ng reclusion perpetua o 40 taong pagkakakulong ang tatlong dating kadete ng Philippine Military Academy na sangkot sa pagkamatay ni dating Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Sa desisyon ng Baguio City Regional Trial Court Branch 5, hinatulang guilty beyond reasonable doubt sina Shalimar Imperial Jr., at Felix Lumba Jr.

Pinagbabayad din ang dalawa ng tig-P3 milyon bilang danyos sa pamilya ni Dormitorio.


Habang si Julius Carlo Tadena ay hinatulang guilty para lamang sa kasong hazing.

Namatay si Dormitorio dahil sa blunt traumatic injuries sa kanyang tiyan noong September 2019.

Noong August 2023, nauna nang hinatulang “guilty” ng Baguio Municipal Trial Court in Cities Branch 1 sina Tadena at Christian Zacarias sa kasong “slight physical injuries”.

Facebook Comments