3 priority codes, inihain ng BARMM cabinet

Naghain ang Bangsamoro Cabinet ng tatlong priority codes sa Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Kabilang dito ang Local Government Code, Civil Service Code at ang Administrative Code.

Ayon kay BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, ang pagpasa sa anim na priority codes ay nakamandato sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law.


Pagtitiyak ni Ebrahim na masusing binalangkas ang mga nasabing codes.

Tiwala rin si Ebrahim na mapa-plantsa ang anumang posibleng gusot na maaari nilang kaharapin sa pagtapos ng legislative process.

Ang iba pang priority codes ay Bangsamoro Electoral Code, Revenue Code, at Educational Code.

Facebook Comments