Biyaheng North Luzon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para suyurin ang mga probinsyang naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa bansa.
Unang tutungo ang pangulo sa probinsya ng Nueva Vizcaya para magsagawa ng aerial inspection sa pinsalang iniwan ng bagyo sa lugar.
Mamahagi rin ito ng Presidential Assitance sa mga magsasaka, mangingisda, at pamilyang apektado ng kalamidad sa naturang probinsya at maging sa Pangasinan.
Bukod dito, tutungo rin ang pangulo sa Isabela para mamahagi rin ng ayuda, at Certificate of Land Ownership Award at Certificate of Condonation sa mga magsasaka.
Matatandaang ang mga nabanggit na probinsya ang lubhang naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa North Luzon.
Facebook Comments