3 pulis Antipolo na inaretso ng PNP-CITF, sinampahan na ng patong-patong na kaso

Manila, Philippines – Inihahanda na ng traffic division ng Pasig PNP ang patong-patong na kasong isasampa laban sa driver na pasimuno ng karambola ng 19 na sasakyan sa C5 road flyover sa barangay ugong, Pasig city.

Kabilang rito ang mga kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injuries at damage to property.

Aminado naman ang driver na si Juan Mirabueno na nawalan siya ng kontrol sa minamanehong 10-wheeler truck kaya sumalpok siya sa isang toyota fortuner na bumangga naman sa iba pang kasunod na mga sasakyan.


Patay sa aksidente ang motorcycle rider na si Jeffrey Llanza, residente ng Novaliches, Quezon City.

Facebook Comments