3 pulis, inirekomenda ng PNP-IAS na masibak sa serbisyo 

Pinasisibak na ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong pulis at ang pagsuspinde sa isa pang pulis na sangkot sa sapilitang pagkawala ng dalawang lalaki sa isang hindi awtorisadong checkpoint sa Imus, Cavite noong July 13, 2023.

 

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, natuklasan na ang mga pulis na sangkot ay off duty at walang awtoridad na magsagawa ng checkpoint.

 

Bukod pa rito, inamin ng mga kasamahan ng mga pulis na ang mga lalaki ay hinuli dahil sa diumano’y pagdadala ng marijuana at drug paraphernalia, ngunit walang opisyal na rekord o pag-turnover ng mga nasamsam na bagay ang isinagawa.


 

Sa ngayon, nasampahan na ng administratibong kaso ang mga pulis.

 

Aniya ang PNP na ang bahala kung kakatigan nila at ipatutupad ang dismissal laban sa mga pulis.

Facebook Comments