3 pulis na sangkot sa pagpatay sa Spanish national sa drug operation sa Siargao, sumuko sa mga otoridad

Sumuko kay Justice Sec. Crispin Remulla ang 3 pulis na sangkot sa pagpatay sa Spanish businessman na si Diego Bello Lafuente noong 2020.

Ang mga pulis ay sinamahan sa pagsuko ni PNP-CIDG Chief PBGen. Romeo M. Caramat.

Ang naturang Espanyol na kilalang surfer sa Siargao ay inakusahan ng mga pulis drug lord.


Ayon sa mga pulis, dinepensahan lang nila ang kanilang sarili sa drug operation matapos na bumunot ng baril si Lafuente.

Tiniyak naman ni Remulla ang patas na imbestigasyon sa kaso.

Ayon kay Remulla, ang korte na ang may hurisdiksyon sa kaso ng 3 at ang magiging kapalaran ng kaso ay nakabatay sa mga ebidensya.

Ang naturang mga pulis ay nahaharap sa kasong murder at planting of evidence.

Facebook Comments