3 pulis na suspek at kaanak ng napatay na QC prosecutor, nagharap sa DOJ

Manila, Philippines – Nag-face off sa DOJ ang kaanak ng pinaslang na si Quezon City Deputy Chief Prosecutor Rogelio Velasco at ang tatlong pulis na itinuturong nag-ambush at pumatay sa piskal.

Kanina sana ang unang araw ng preliminary investigation sa murder case ng mga pulis subalit nauwi lamang ito sa clarificatory hearing

Binigyan naman ng DOJ ang respondents na sina SPO2 Rodante Sicat Lalimarco, PO3 Arthur Lucy at PO1 Jose Mercado ng hanggang Feb 19 ganap na alas-dos ng hapon para maghain ng kanilang kontra salaysay.


March 11 naman ang binigay sa complainant para sa kanilang reply affidavit.

March 25 naman ang binigay sa respondents para maghain ng kanilang rejoinder at pagkatapos nito ay idedeklara nang submitted for resolution ang kaso.

Facebook Comments