Sugatan ang tatlong pulis matapos na tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Mabaho Road, Brgy. Cabalwa, Oriental Mindoro kaninang alas-11:30 ng tanghali.
Sa ulat ni Philippine National Police (PNP) – MIMAROPA Spokesperson Lieutenant Colonel Imelda Tolentino, nagsasagawa ang limang pulis ng mobile patrol sa lugar ng biglang pagbabarilin ng mga NPA.
Kinilala ang mga sugatang pulis na sina Police Corporal Vincent Dominguez, Pol. Cpl. Michael Librea at Patrolman Norman A. Alvaro, habang hindi naman nasugatan sina Patrolman Mevin Galendez at Patrolman Mark Joseph I. Rebugio.
Matapos ang pananambang sinunog pa ng mga NPA ang patrol jeep ng mga pulis.
Sa ngayon, nagsanib pwersa na ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at 203rd Brigade ng PNP para tugusin ang mga rebelde.