3 pulis, sugatan nang tambangan ng NPA sa Antique

Antique – Matapos ang anunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte na wala nang ceasefire sa Christmas season.

Tinambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang dalawang sasakyan ng pulis sa Sibalom Antique kaninang umaga na ikinasugat ng tatlong pulis.

Sa ulat ng pulisya, alas- 9:25 ng umaga kanina habang sakay ng dalawang sasakyan ang mga tauhan ng Sibalom Municipal Police Station nang pasabuging ng NPA ang itinanim na Improvised Explosive Device pagsapit ng kanilang sasakyan sa isang kalsada sa Barangay Bontol.


Agad na isinugod sa ospital ang mga sugatang pulis na sina PO3 Gabby Orantes, PO3 Michael Alejo na nagtamo ng sugat sa kamay, PO3 Salvador Cordero na nagtamo ng sugat sa braso.

Sa ngayon, nagpapaptuloy ang hot pursuit operation ng pulisya laban sa mga nanambang na mga rebelde.

Facebook Comments