3 rehiyon sa bansa, magpapatupad ng gun ban sa ikalawang SONA ni PBBM

Magpapatupad ng gun ban ang tatlong rehiyon sa bansa sa nalalapit na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations Chief PBGen. Leo Francisco kasama sa magpapatupad ng gun ban ang Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon.

Aniya, 24 oras iiral ang naturang gun ban o mula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-11:59 ng gabi ng July 24.


Paliwanag ng opisyal, suspendido ang lahat ng permit to carry firearms outside residence ng mga gunowners sa tatlong nabanggit ng rehiyon sa bansa.

Ibig sabihin, bawal muna magbitbit ng baril ang mga gun owners sa nasabing panahon kahit pa mayruon silang valid PTC kung saan tanging mga law enforcers lamang ang papayagang magbitbit ng baril.

Facebook Comments