3 residente, nasugatan sa sunog sa Las Piñas

Nanindigan ang Court of Appeals (CA) sa nauna nilang desisyon na nagdedeklarang regular na mga manggagawa ang mahigit 100 mga “talent” ng GMA network Inc.,

Ibinasura ng Appellate Court ang motion for reconsideration ng GMA Network INC..

Ayon sa CA, Walang inilatag na bagong argumento ang naturang media outfit sa kanilang motion for reconsideration


Dahil dito, sinabi ng CA na walang rason   para baligtarin o baguhin ang kanilang naunang desisyon na may petsang February 20, 2019.

Sa desisyon ng CA noong Pebrero, pinaboran nito ang desisyon ng National Labor Relations Commission (NLRC) noong 2015 at 2016 na nagdedeklarang regular dapat na mga empleyado ang 101-talent ng GMA.

Nag-ugat ang kaso sa reklamong isinampa ng mga “talent” ng GMA noong taong 2014 dahil sa sinasabing pagtanggi nito na gawing regular sa trabaho ang mga complainant sa halip ay inire-renew lamang ang kanilang kontrata sa kumpanya.

Facebook Comments