3 Rifle Grenade, Nasamsam sa bahay ng isang Ginang sa Kalinga

70

Cauayan City, Isabela- Naaresto ng mga otoridad sa bisa ng Search warrant ang sinasabing miyembro umano ng ‘Inabuyog Gabriela’ matapos masamsaman ng tatlong (3) rifle grenade sa kanyang tinutuluyang bahay sa Sitio Ag-agama, Lubuagan, Kalinga.

Ito ay makaraang isilbi ang 13 search warrant na ipinalabas ng korte sa ilang kabahayan sa nasabing lugar subalit tanging ang inarestong suspek ang nakuhanan ng nasabing armas.


Ayon kay PCol. Davy Vicente Limmong, Director ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO), hindi maituturing na red-tagging ang ginawa sa suspek dahil hindi naman idinurugtong ng mga otoridad kung ito ba ay miyembro ng New People’s Army (NPA).

Batay umano sa sinasabing saksi, ilan sa mga hinihinalang armas ang nasa kustodiya ng naarestong si Beatrice Bilin.

Ayon pa kay PCol. Limmong, itinatanggi ng suspek na hindi niya pagmamay-ari ang nakumpiskang rifle grenade sa kanyang tinutuluyang bahay.

Pansamantala namang nasa kustodiya ng Tabuk City Police Station ang naarestong si Bilin na nahaharap sa kasong RA 9516 o Acquisition or Disposition of firearms, ammunition or explosives.




Facebook Comments