Balik-selda na ang 3 sa 10 mga detainees na pumuga sa Malibay Police Station sa Pasay City.
Ang mga preso ay sumuko sa mga awtoridad sa harap ng nagpapatuloy na manhunt operation.
Unang sumuko ang detainees na sina Joey Hernandez at Eden Garcia.
Sumunod naman na sumuko si Tirso Galit na may kasong robbery.
Tiniyak naman ni Col. Froilan Uy, hepe ng Pasay City Police na mabilis nilang matutunton ang 7 iba pang bilanggo dahil hindi pa ito nakakalabas ng Metro Manila.
Naglabas na rin ang Southern Police District ng tig-isang libong pisong pabuya sa bawa’t ulo ng mga pumugang preso.
Facebook Comments