
Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na ilang iniimbestigahan nilang contractor ang kasama sa 15 na naunang pinangalanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, 3 mula sa 15 contractor ang nagbigay ng kontribusyon sa kampanya ng mga national candidates noong 2022 elections.
Inaasahan namang madadagdagan pa ang mga ito sa pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon.
Ngayong hapon naman isusumite sa Kamara ang listahan ng 31 contractor na nauna na nilang inimbestigahan.
Kasama sa detalye ang halaga ng donasyong ibinigay ng contractor, sino ang nagbigay at sino ang nakatanggap na kandidato.
Facebook Comments









