3 sa 4 na vaccination center sa Pateros, mananatiling bukas para sa walk-in na gusto magpabakuna kontra COVID-19

Mananatiling bukas ang tatlo sa apat na vaccination center sa Pateros para sa mga walk-in na residente na gustong magpabakuna kontra COVID-19.

Kabilang dito ang vaccination center sa Villa Monica, Pateros Catholic School (PCS) main at annex.

Pero ayon kay Mayor Ike Ponce, hindi tatangap ng walk-in ang vaccination center sa AMC gymnasium dahil dito ginagawa ang pagtuturok ng 2nd dose sa mga nauna nang nabakunahan.


Paglilinaw pa ni Mayor Ponce, bagama’t tumatangap ng walk-in ang Pateros sa tatlong nabanggit na vaccination center, mananatiling prayoridad at uunahin ang mga nakarehistro at nakatanggap ng kumpirmasyon mula sa munisipalidad.

Nanawagan din ito sa may mga sipon at ubo na huwag na tumuloy sa vaccination center at magpagaling na muna.

Dahil ito ay sintomas ng COVID-19, pwede aniya magpa-swab ang mga residente sa Pateros ng libre.

Facebook Comments