3 sa 5 ahensyang tinukoy ng Pangulo na may mabagal na serbisyo, dumipensa

Dumipensa ang Social Security System (SSS) at Land Registration Authority (LRA) matapos silang sitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mabagal na serbisyo.

Ayon kay SSS Legal and Enforcement Group Senior Vice President, Atty. Voltaire Agas – hindi maiiwasan ang mga reklamo lalo na at nasa 35 million ang kanilang kliyente.

Nasa isang milyong lamang ang kanilang empleyado.


Iginiit naman ni LRA Administrator Ronald Untile – na patuloy ang pagpapabuti sa kanilang serbisyo

Sa interview ng RMN Manila kahapon, inamin ni Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Edgar Galvante – problema pa rin sa kanila ang pag-iisyu ng plaka at mahabang pila.

Tiniyak ng LTO na nagsasagawa na sila ng modernisasyon ng kanilang tanggapan.

Maliban sa SSS, LRA at LTO tinukoy din ng Pangulo ang Pag-IBIG Fund at Bureau of Internal Revenue (BIR) na kailangang pagbutihin ang kanilang serbisyo.

Facebook Comments