MANILA – Sa ikinasang operasyon ng Criminal Investigasyon Detection Unit, sa Camarin Caloocan City partikular sa Sampaloc St. kaninang madaling, 3 sa kanilang target ang nadakip.Sa bisa ng search warrant sinalakay ang mga bahay ng target at nagtugma ang mga pangalan nito base na rin sa mga ID na nasamsam sa loob ng pinsasok na bahay.Kabilang na dito si Bashier Tarusan na nakuhaan ng 45 na baril mga bala at 2 pakete ng hinihinalang shabu.Naaresto din si Salic Masmar. Maging si Malic Bala, kasama din sa nadakip, kung saan isang espada at 9mm na baril ang nakompiska sa kanya.Bukod sa koneksyon sa ilihal na droga naging basahin din sa ikinasang operasyon ang istilo ng mga ito na, magpapautang sa mga kapitbahay at kapag hindi nakabayad, sasamsamin ang lupa’t bahay.Ayon kay Cornerl Rolando Lee ang nanguna sa operasyon, Ganito nag-sisimula ang Muslim compound na nagiging drug den at talamak na kalakaran sa iligal na droga.Samantala nang sinalakay ang bahay ni Usman Macadato, isang lalaki ang nagtangkang tumakas, na nag-tamo pa ito ng sugat sa kamay at paa, nang ito ay madakip, nag pakilala itong si Camar Mama at itinangi na hindi siya sa Usman Macadato.Ayon sa kanya wala siyang kinalaman sa bentahan ng iligal na droga, at marangal siyang tindero ng CD. Ngunit kapansin-pansin ang magarbo nitong bahay, at nakuhaan din ng mga drug paraphernalia.Sa ngayon ang mga nadakip na suspek ay dinala sa kamp krame para ipag patuloy ang imbistigasyon.
3 Sa 6 Na Target, Ng Cidg, Positibo Na Sila Ang Nasa Search Warrant
Facebook Comments