Inisa-isa ni National Action Plan against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. ang tatlong salient points sa pagpapatupad ng ikalawang bahagi ng national action plan na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sa public briefing, sinabi ni Galvez na ang tatlong imperatives na ito ay ang mga sumusunod:
– Pagsunod ng Publiko
– Unity of Effort
– Kapasidad ng National and Local Government sa pag-manage ng COVID-19 cases.
Binigyang diin ni Galvez na kailangang mapababa ang bilang ng mga namamatay sa COVID-19 para mabuksan ang ekonomiya.
Mahalaga ang aktibong partisipasyon at pagbabantay ng publiko para sa ikatatagumpay ng kampanya.
Importante rin ang suporta ng mga local leaders at pribadong sektor.
Facebook Comments