3 salient points sa second phase ng national anti-COVID response, inisa-isa ni Sec. Galvez

26

Inisa-isa ni National Action Plan against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. ang tatlong salient points sa pagpapatupad ng ikalawang bahagi ng national action plan na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa public briefing, sinabi ni Galvez na ang tatlong imperatives na ito ay ang mga sumusunod:


–        Pagsunod ng Publiko

–        Unity of Effort

–        Kapasidad ng National and Local Government sa pag-manage ng COVID-19 cases.

Binigyang diin ni Galvez na kailangang mapababa ang bilang ng mga namamatay sa COVID-19 para mabuksan ang ekonomiya.

Mahalaga ang aktibong partisipasyon at pagbabantay ng publiko para sa ikatatagumpay ng kampanya.




Importante rin ang suporta ng mga local leaders at pribadong sektor.

Facebook Comments