3 sangay ng pamahalaan, nagkaisa para sa extension ng Martial Law sa Mindanao – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang pagpagpapatibay ng Korte Suprema sa Extension ng Martial Law sa buong Mindanao.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Savaldor Panelo, nagkaisa na ang tatalong hiwalay at pantay na sangay ng Gobyerno ang Ehekutibo, Lehislatura at Hudikatura na kailangang labanan ang rebelyon at ang terorismo sa rehiyon.

Nagkaisa aniya ang tatlong sangay ng Pamahalaan sa pagsasabi na ang kanilang pangunahing tungkulin ay protektahan ang bansa at ang kaligtasan ng lahat mula sa rebelyon at terorismo.


Sinabi din naman ni Panelo na habang nagpapatuloy ang pamahalaan sa rehabilitasyon ng Marawi City ay dapat maging mas malakas pa ang suporta ng mamamayan sa mga tagapagtanggol ng bayan at maging mas mapagmatiyag upang hindi manalo ang mga kalaban ng estado.

Facebook Comments