3 SANGGUNIANG KABATAAN NG ECHAGUE AT SAN ISIDRO, GINAWARAN NG PAGKILALA

CAUAYAN CITY – Tatlong Sangguniang Kabataan mula sa bayan ng Echague at San Isidro ang ginawaran ng pagkilala sa Puso at Talino Academy: Barangay Leaders for Good Governance – Project Proposal.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng LGU San Isidro at Isabela State University – Institute of Public Administration and Governance (ISU-IPAG).

Kabilang sa mga nagwagi ay ang SK ng Camarag at SK ng Gomez mula sa bayan ng San Isidro, habang ang SK ng Gumbaoan ang kinilala mula sa bayan ng Echague.


Samantala, itinanghal bilang Most Accomplished Sangguniang Kabataan ng LGU Echague ang SK ng San Manuel.

Ang mga nagwagi sa Project Proposal ay tumanggap ng tig-P50,000 para sa implementasyon ng kanilang mga proyekto sa komunidad, habang P100,000 naman ang natanggap ng SK ng San Manuel bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon.

Facebook Comments