Sugatan ang dalawang driver sa nangyaring karambola sa SB lane ng Buendia Flyover sa Roxas Blvd. Pasay City
Ito’y matapos maipit sa loob ng sasakyan ang dalawang driver na sina Rodrigo Delemos at Angel Banigued.
Unang natanggal sa pagkakaipit si Delemos at dinala agad sa ospital, habang higit apat na oras namang nakaipit sa minamanehong tow truck si Baniqued na namimilipt na sa sakit habang kinakatingting ang parte ng sasakyan.
Ayon kay Pasay City traffic Supervisor Ambrosio Jun Payumo, pasado alas-diyes kagabi ng kanilang respondehan ang reported collision, pagdating umano nila sa lugar ay naipit ang dalawa.
Dagdag pa ni Payumo, hinila na ng dalawang tow truck ang trailer truck na nasiraan sa mismomg flyover, ngunit dahil sa bigat hindi kinaya ng tow truck ang pag preno pababa ng fly over kaya dumausdos umano ang trailer truck at tinulak ang dalawnag sasakyan sa unahan hanggang makapasok sa kabilang lane ng flyover at bumangga ng tuluyan sa railings.
Sa ngayon isinara muna ang flyover kaya nagdudulot ng heavy traffic sa mga sasakyan.
Samantala, pinananagot naman sa aksidente ang dalawang tow truck, at iniimbestigahan na para sa kaukulang kaso.