3 sasakyan ng mga residente ng SM Jazz Residences sa N. Garcia St. Metropolitan Ave., Brgy. Bel Air, Makati City, ang napinsala sa pagguho ng bahagi ng gusali

Partikular na nabagsakan ng malalaking tipak ng semento ang Toyota Alphard, Nissan Urvan aT Toyota Grandia.

Ayon kay Chief Engineer Boone Opeda, Property Engineer ng Jazz Residences, ang bumagsak ay ang terrace na bahagi ng amenity area sa Tower D sa 6th Flr.

SA Initial inspection at damage assessment ng mga otoridad, lumalabas na hindi naman naapektuhan at nananatiling intact ang main building


sa pagbagsak ng mga gumuhong pader, nagkalat ang mga debris sa entrance driveway ng Nicanor Garcia Street

Hindi pamakumpirma ng Bureau Of Fire Protection (BFP) kung may nasaktan sa insidente.

 

Ayon sa ilang residente mula sa 7th floor, bago nangyari ang pagguho ay may narinig silang langitngit at pagkalipad ng labing-limang minuto ay nakarinig sila ng parang pagsabog pero hindi naman anila parang bomba.

Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang BFP, PNP at ilang opisyal ng Makati City.

Facebook Comments