
CAUAYAN CITY – Isang aksidente ang naganap kahapon, Hulyo 2, sa Cabatuan Road Intersection sa Barangay San Fermin, Cauayan City na kinasangkutan ng tatlong sasakyan.
Ayon sa ulat ng Cauayan City Police Station, sangkot sa insidente ang isang Mitsubishi Mirage na minamaneho ni alyas “Mucho”, isang Hyundai Accent na minamaneho ni alyas “Dabi”, at isang Foton View Traveler Van na minamaneho ni alyas “Ronron”.
Batay sa imbestigasyon, binabaybay ni “Mucho” ang kalsada patungong Alicia, habang si “Dabi” naman ay papunta sa Reina Mercedes. Si “Ronron” naman ay pansamantalang huminto upang tiyaking ligtas lumiko pakaliwa patungong Gamu.
Pagdating sa nasabing interseksyon, lumiko si “Dabi” papuntang Cabatuan, dahilan upang mabangga ni “Mucho” ang kanang likurang bahagi ng kanyang sasakyan. Sa lakas ng banggaan, nadamay rin ang van ni “Ronron”.
Nagtamo ng sugat si “Dabi” at agad namang nabigyan ng paunang lunas ng mga rumespondeng emergency team.









