3 search and rescue teams ng Philippine Army, tuloy sa paghahanap sa nawawalang Cessna Plane

Nagdeploy ang Philippine Army ng 3 search-and-rescue teams para tumulong sa paghahanap sa nawawalang Cessna plane.

Ayon kay Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad, kabilang sa mga nagsasagawa ng search and rescue ay ang mga tauhan ng 95th Infantry Battalion at 5th Infantry Division na binubuo ng 33 personnel.

Sinabi ni Col. Trinidad na pokus ng kanilang search and rescue operations ang 3 barangay sa Cagayan kabilang ang Dicambangan at Sapinit sa Divilacan at ang Dibuluan village sa San Mariano.


Nabatid na nawala ang Cessna 206 single-engine plane na may lulang 6 na katao noong Lunes o January 23 ng hapon matapos itong umalis mula sa Cauayan Isabela airport.

Facebook Comments