3 sekyu, kulong sa pagnanakaw umano ng relief goods sa evacuation center

500

Arestado ang tatlong guwardiya matapos mahuling nagnanakaw ng relief goods sa isang evacuation center sa Barangay Sta. Rita, Batangas City, Martes ng umaga.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang mga suspek na sina Junel Roda Romano, 21; Johnson Rey Rolio Manimtim, 29; at Junito Pacatang Mañaba, 32.


Bandang alas-6 ng umaga na mahuli sa akto ang tatlong sekyu na kumukuha ng donasyon sa Batangas Provincial Sports Complex, ayon sa pulisya.

Tinangka raw kunin ng mga suspek ang 127 noodles, 74 lata ng sardinas, 19 cup noodles, 12 balot ng bigas, at 15 piraso ng damit.

Tinatayang P6,828 umano ang kabuuang halaga ng relief goods.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong qualified theft.

Facebook Comments