3 solusyon laban sa agricultural smuggling, minungkahi ni Ping

Full automation ng mga operasyon ng Customs, pagpapanagot sa mga empleyado na sangkot sa smuggling, at tapat na pamumuno.

Para kay Presidential Aspirant Senador “Ping” Lacson, ito ang tatlong solusyon na makakapagpatigil sa talamak na pagpupuslit ng produktong pang agrikultura at korapsyon sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Diin ni Lacson, importante na mag-automate tayo pero nakakapagtaka na hindi ito isinasagawa kahit ito ay itinatakda ng Customs Modernization and Tariff Act.


Ayon kay Lacson, pangalawang mahalagang solusyon aniya ang pagpapanagot sa mga sangkot na empleyado ng Customs at pagpapatupad ng isang pamantayan sa halip na double standard.

Ngunit diin ni Lacson, pinaka-importante sa lahat ang pagkakaroon ng leadership by example na kanyang ipinamalas sa kanyang karera sa pulitika, paggawa ng batas, at law enforcement.

Mungkahi rin ni Lacson na dapat mailagay sa posisyon ang mga tamang tao sa kada ahensya.

Iginiit din ni Lacson na dapat gamitin ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang intelligence funds para mahuli ang mga sangkot sa agricultural smuggling.

Facebook Comments