Manila, Philippines – Ipinanawagan muli ng Independent Minority sa kamara
ang pagre-resign ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Giit ni Albay Rep. Edcel Lagman, nakaka-tatlong strike na si Aguirre kaya
dapat lamang na alisin na o magbitiw na ito sa pwesto.
Ang tatlo aniya sa mga malalaking kontrobersiyang kinasangkutan ni aguirre
ay ang pagkakasangkot ng dalawang Immigration Deputy Commissioner sa
suhulan, pag-dismiss ng kaso laban sa mga umanoy drug lords na sina Kerwin
Espinosa, Peter Co at Peter Lim gayundin ang pagtanggap kay Janet Lim
Napoles sa Witness Protection Program.
Para naman kay Akbayan Rep. Tom Villarin kapag nagresign si Aguirre ay saka
lamang magiging tunay ang Department Of Justice at hindi Department Of
Injustice.
Sa tingin naman ni Magdalo Rep. Gary Alejano, hindi magre-resign at hindi
bibitiwan ng malakanyang si Aguirre dahil nagagamit ito para sa planong
puntiryahin ang mga kalaban ng administrasyon.