3 sugatan sa banggaan ng van at multicab sa Sultan Kudarat Maguindanao

Sugatan ang driver at dalawa sa mga pasahero ng isang multicab matapos nitong mabangga ang kasalubong na pampasaherong van sa national highway ng Brgy. Alamada, sa bayan ng Sultan Kudaray, Maguindanao pasado ala una ng hapon kahapon.
Nagmula sa North Cotabato ang kulay puting multicab na minamaneho ni Basit Tukan, 46 anyos at sakay ang mga pasaheong sina Lucman Siamang, 31, at Saide Sali,31, pawang nakatira sa Brgy. Tapayan sa bayan ng Sultan Mastura Maguindanao.
Nanggaling naman sa lungdod ng Cotabato ang kulay abo na Toyota hi-ace van, na may plakang ALA 2954 na minamaneho ni Michael Abpel, 31.
Sa report ay nagtamo ng serious physical injury ang driver at dalawang mga sakay ng multicab
Nagtamo naman ng kasiraan ang harapang bahagi ng dalawang sasakyan. Nabatid na nagkaayos din ang magkabilang panig.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments