3 sugatan sa nasunog na pagawaan ng lobo sa Malabon City

Malabon City – Sugatan ang tatlong tao matapos masunog ang isang pagawaan ng lobo at tindahan ng party needs sa Lapu-Lapu Avenue, Barangay Longos, Malabon City.

Sa imbestigasyon, sumingaw ang tangke ng hydrogen gas na ginagamit sa paggawa ng mga lobo kung saan umabot ito sa nakabukas na kalan dahilang upang magsimula ang sunog na tumupok sa lima pang mga kabahayan.

Inabot ng ikatlong alarma ang sunog at sugatan sa insidente sina Arlene Hepilano, Lorita Bugacia, at Argel Pilar na mga tauhan ng nasabing pagawaan ng lobo at tindahan.


Aabot naman sa P100,000 ang kabuuang halaga ng mga ari-arian na nasunog habang apektado naman ang walong pamilya na nananatili sa covered court ng barangay.

Facebook Comments