3 sugatan sa pagsabog ng 2 IED sa Maguindanao

Tatlo katao ang sugatan sa pagsabog ng dalawang Improvised Explosive Device(IED) sa barangay Semba sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa lalawigan ng Maguindanao kaninang umaga.
Sugatan sa pagsabog ang isang pulis, isang sundalo at ang barangay kapitan ng lugar.
Unang nangyari ang pagsabog dakong alas 7:20 ng umaga at ang secondary explosion ay nangyari dakong alas 7:30 ng umaga at dito na nasugatan ang tatlo na kinilalang sina Spo2 Bobby Pendililang ng DOS Pnp , baràngay Semba chairman Pendatun Sinsuat at isang sundalo ng DTS ng 6th infantry division.
Sa inisyal na report inilagay ang bomba sa gilid ng kalsada ilang metro ang layo papasok sa Division Training School ng 6th id sa nasabing lugar.
Samantala isang sako na pinaniniwalaang naglalaman din ng IED ang kasalukuyang sinisiyasat ng EOD team . Karagdagang detalye susunod.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments