Tatlo katao ang sugatan sa pagsabog ng IED na itinanim sa ilalim ng nakaparadang sasakyan pasado alas dos ng hapon kahapon sa lungsod ng Tacurong. Ayon kay Police Supt. Rabie Hachuela, hepe ng Tacurong City PNP nangyari ang pagsabog sa pasado alas dos ng hapon sa tapat ng La Forteza Pharmacy na matatagpuan sa Jose Abad Santos Avenue. Kinilala ang 3 sugatan na sina Freddie tumindig 42, Nicole Fobar, 19 at Patricio Pepeto, 3 anyos. Itinanim ang bomba sa ilalim ng engine compartment ng nakaparadang sasakyan.
Iisang grupo lamang umano ang may kagagawan sa nangyaring pagsabog kahapon at noong unang linggo ng Enero sa nasabing lungsod dahil sa signature bomb na ginamit.
Facebook Comments