3 Sugatan Sa Pagsabog Ng Ied Sa Tacurong City

6

Tatlo katao  ang sugatan sa pagsabog ng  IED na itinanim sa ilalim ng nakaparadang sasakyan pasado alas dos ng hapon kahapon sa lungsod ng Tacurong. Ayon kay  Police Supt. Rabie Hachuela, hepe ng Tacurong City PNP nangyari ang pagsabog sa  pasado alas dos ng hapon sa tapat ng La Forteza Pharmacy  na matatagpuan sa Jose Abad Santos Avenue. Kinilala ang 3 sugatan na sina  Freddie tumindig 42, Nicole  Fobar,  19 at  Patricio Pepeto, 3 anyos. Itinanim ang bomba sa ilalim ng engine compartment  ng nakaparadang sasakyan.

Iisang grupo lamang umano ang may kagagawan sa nangyaring pagsabog kahapon at noong unang linggo ng Enero sa nasabing lungsod  dahil sa signature bomb na ginamit.

Facebook Comments