3 sundalo, sugatan matapos tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng NPA sa Palawan

Palawan – Sugatan ang tatlong sundalo matapos na tambangan ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa sitio Italpak, Barangay Dumarao sa Roxas, Palawan.

Kinilala ang mga sugatang sundalo na sina Technical Sergeant Restituto Selvino, Corporal Melvin Villa at Corporal Christian Day Rentillo.

Ayon kay PNP Mimaropa spokesperson supt. Imelda Tolentino – sakay ng m335 military truck ang tropa ng Marine Batallion Landing Team (MBLT) 12 nang bigla silang pagbabarilin ng mga rebelde.


Agad namang naisugod sa ospital ang tatlo habang nagpapatuloy ang hot pursuit laban sa mga suspek.

Facebook Comments