3 sunod na panalo ng St. Clare, naitala sa 2019 PBA D-League

Hindi natinag sa pwesto matapos manalo ang Saint Clare College –Virtual Reality kontra Batangas – Emilio Aguinaldo College, 80-73 sa 2019 PBA D-League.

Bunsod nito, tatlong sunod na panalo na ang naitala ng Saint Clare College.

Nasayang ang 18 points ni Marvin Taywan ng Emilio Aguinaldo matapos humataw si Saint Claire star Junjie Hallare na mayroong record na 18 points.


Tig-14 points naman ang naiambag para sa Saint Clare nina Irvin Palencia at Joshua Fontanilla.

Facebook Comments