3 sunog, naitala sa Novaliches, QC mula kagabi hanggang kaninang madaling araw

Sa Brgy. San Agustin, isang babae ang namatay sa sunog habang tatlo ang nasugatan sa sunog na nagsimula alas-2:05 ng madaling araw na umabot lamang sa unang alarma.

Namatay si Melanie Trinidad, 21-anyos.

Kabilang sa nasugatan ay si Belen, 49 taong gulang, Sandy, 32, at Luzviminda, 47 taong gulang.


Sa Brgy. Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City naman, isang bahay ang nasunog matapos mapabayaan ang kandila sa altar, alas-8:00 kagabi.

Tuwing November 1 ay tradisyonal na ng mga Pilipino ang pagtirik ng kandila kaya’t paalala ng Bureau of Fire Protection o BFP na huwag pabayaang walang bantay ang kandila.

Sa Brgy. Capri naman, aabot sa P360,000 ang natupok na ari-arian sa sunog na nagsimula alas-7:47 kagabi.

Tatlong pamilya ang apektado sa nasabing sunog.

Facebook Comments