3 Suspek, Huli sa Pag-iingat ng Iligal na Droga

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga awtoridad ang tatlong katao na sangkot sa iligal na droga matapos ang ikinasang drug buy-bust opertation kahapon sa Probinsya ng Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Ronie Cambri, 22-anyos, binata, isang magsasaka at residente ng Brgy. Bauan West, Solana, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Solana, positibong nakabili ang operatiba na nagpanggap na poseur buyer ng isang pakete ng hinihinalang shabu kapalit ang P500 na buy-bust money.


Samantala, inaresto din ang dalawang na sina Reygino Quilla, 46-anyos, may-asawa at Michelle Iniego, 43-anyos, may-asawa at kapwa residente ng Brgy. Gammad, Iguig, Cagayan.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP Iguig, una na silang nakatanggap ng impormasyon sa isang impormante na may kasalukuyang nagaganap na pot session sa loob ng bahay ng mga suspek.

Agad na tumugon ang pulisya at nakumpirma sa aktong gumagamit ng iligal na droga ang mga suspek gamit ang isang lighter at aluminum foil.

Narekober sa suspek na si Quilla ang isang pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

Sasampahan ng paglabag sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments