3 suspek, inabswelto ng SC sa kasong iligal na droga

Inabswelto ng Korte Suprema ang 3 akusado sa iligal na droga na nauna nang hinatulang guilty ng korte sa kasong possession of illegal drugs at pagbebenta ng shabu.

Binaligtad ng Supreme Court Third Division ang hatol na guilty ng Makati RTC Branch 65 na sinang-ayunan ng Court of Appeals, laban kina Emannuel Olivia, Bernado Marangot at Mark Angelo Manalastas.

Matatandaang ang mga akusado ay naaresto sa isang buy-bust operation noong 2015 at nakuha mula sa kanila ang P500 halaga ng shabu.


Nakasaad sa desisyon, na hindi nakatalima ang mga otoridad sa “chain of custody,” at walang kagawad ng media o piskal nang isagawa ang imbentaryo.

Nabatid na nakasaad sa batas na pagkatapos ng operasyon, kailangang isagawa ang imbentaryo sa harap ng akusado, myembro ng media o kinatawan ng DOJ at sinomang elected public official.

Kasabay nito, inutos din ng Korte Suprema ang agarang pagpapalaya sa akusado.

Facebook Comments